Akala Ko
Ininom ko ang tubig nayong bigay
Akala ko ay mag-aalis ng uhaw
Subalit ako ay nanglamig at tumigas
Tinanggap ko ang apoy mo
Akala ko ay maghahatid ng liwanag at init
Subalit nagdilim ang aking paligid at ako ay napaso
Dinama ko ang hangin ng ikaw ay dumaan
Akala ko ay magbibigay ng mga haplos
Subalit ako ay natangay at iniwang putikan
Dinala mo ako sa pook ng pangako
Akala ko ay doon tayo titira magpakailanman
Subalit para akong nilamon ng lupa
Akala ko ay nagbibigay buhay ka
Subalit ang dala dala mo sa puso
Ito palay sugat at dugo

No comments:
Post a Comment